Logo

Plethora

  • Archive
  • RSS
  • Ask me anything

Lulan

May pagdududa pa rin na hindi mapawi ng patuloy kong pagnanais. Hindi sa bawat sandaling ang mga titig sa kawalan ay sumasayaw sa pagarangkada ng sasakyang ako’y lulan. Ang bawat berdeng mapanglaw sa paglikom ng dilim sa araw ay salamin ng pagaatubiling tanungin ang sarili kung ano ba ang tunay na katayuan. Ano na nga ba ang dapat isipin? Ano na ba ang dapat kong gawin? Maghihintay na lamang ba na ako’y datnan ng kamalayan at pasyang hindi sa diwa ko buhat? Ako ba’y handang masalang na lamang ng oras at paghihintay, gawing kasangkapan ng katawan, ng pagnanais at lungkot?

Halang ang isip, sa bawat patak ng langis na nagpapatakbo nitong sasakyan. Ako’y bihag ng ulirat habang tinatahak ang pa-kungsaanmang ang tunguing nalimutan. At sa kawing nitong bawat sandali, ako’y walang magawa kung hindi sumuko at harapin, na ang akala ko’y akin, ay isang pagpasiyang hindi ko parin pala tiyak. Bitawan na ako, mapanghamak ng tulirong utak. Palayain na ang nagdurusang pusong hindi na mapahinahon.

Mga toreng bato na naglipana sa bagtasin, mangilan-ngila’y kumikislap, animo’y sa gumagabing langit ay sumisipi. Parang mga tanod sa aking diwa, “huwag mong loko ang ‘yong sarili, kung nais ay nariyan na, kung hindi umuukol at ‘wag nang ipag-patuloy pa.” At marahil ang mga badyang pilit nila ay tama. Ngunit anong magagawa, ang pagpasiya ko ngayo’y pariwara.

Wala nang mahugutan pa ng lakas, habang ako’y patuloy na pumipiglas, sa dalawang dulong humihigit sa kadena ng dalawang bukas, ako’y nahimasmasan. Nakita na ang kantong bababaan, pumara’t, umibis at nagpaalam. Muli nalang babalikan ang hindi mapaghatulan, sa muli kong paglulan sa sasakyan sa paguwi ko sa kinahapunan. 

    • #text
    • #work
  • 1 month ago
  • 4
  • Permalink
  • Share
    Tweet

4 Notes/ Hide

  1. funkienokie liked this
  2. marvinmatic liked this
  3. mharteered liked this
  4. kaloysotero liked this
  5. pananaghoy posted this
← Previous • Next →

Portrait/Logo

where the geeks take over a blue cupcake octagon world where the candle bubbles reside and the updated tombstone takes a little pee-pee!

I'm a pro RH Bill nurse who fight against sexual inequality, HIV and AIDS, and abuse of mother nature. Read about those stuff and my daily shiz right here.


Check out my Blogspot.

Twitter

loading tweets…

  • RSS
  • Random
  • Archive
  • Ask me anything
  • Mobile

Effector Theme by Carlo Franco.

Powered by Tumblr